[CHAPTER 15] ◌●◌ NAKAPANIBAGO ANG katahimikan. Ilang araw ng walang nagsasalita sa kanilang apat. Kahit ang hangin na iihip ay mahihiya sa pagiging walang imik nila. Hindi pinayagang makapasok ang iba maliban sa pamilya nila habang nakalagak ang labi ni Eros sa bahay. Kahit ang ibang clan na walang kinalaman sa pamilya nila ay hindi rin pinahintulutan. Hanggang sa dumating ang araw na ihimlay si Eros sa huling hantungan nito ay nasa ganoon pa rin silang senaryo—nakaupo. Tila walang buhay. Maging kalangitan tuloy ay tila nakikiramay sa pagpanaw ng kaibigan. Napakadilim at nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. Malamig din. Tila niyayakap sila ng malakas na hangin. Napakaraming puting bulaklak ang nasa lapag ng himlayan ni Eros. Kulay itim na may disenyong ginto ang kabaong nito. Habang na

