CH: 16

1879 Words

[CHAPTER 16] ◌●◌ HINDI NIYA NA kayang manood na lang. Pakiramdam ng binata’y mauuna siyang bibigay kay Francine. Bawat paghakbang nito’y naghahatid sa kanya ng matinding kalungkutan. Tila may mga palaso ring tumatama sa kanyang dibdib. Ang akala niya’y tapos na siya sa ganitong pakiramdam, ngunit nanunumbalik ang lahat nang makita niyang muli ang dalaga. Inihakbang ni Chaos ang paa nang madapa ito. Dadaluhan niya sana ang dalaga kung hindi lang nagkusang tumayo si Francine. Pinagpagan nito ang tuhod na may lupa at lumapit sa puntod ni Eros habang umiiyak. Sampung metro ang layo niya, pero bakit parang gahibla lang iyon? Ramdam niya ang sakit sa bawat paghikbi nito. Tila tumatagos iyon sa kanyang pagkatao. Lumapit pa siya nang bahagya pa... "Eros, nandito na ako," may bikig sa lalam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD