[CHAPTER 45] ◌●◌ NANG SUMAPIT ang hating-gabi, habang bilog ang buwan, saka nagsimula ang grupo nila na kumilos. Inabot nang napakatagal na oras bago nila natunton ang pinagtataguan ng mga kumuha sa dela Vega. Ang tingin nila'y nakatutok ngayon sa bagong tayong gusali. Hindi nila kaagad natunton ang lokasyon ng mga ito dahil nasa maraming tao. Halos nasa sampung palapag iyon. Maraming nagbabantay sa ibaba kaya naman sa katabing gusali sila umakyat. Handang sumabak sa kahit anong giyera ang mga nanlilisik na mata ni Chaos. Walang pagsidlan ang puot at galit na nararamdaman niya. Nang makita ang mga magulang kanina, muling bumalik ang mga masasamang alaala sa kanya. Dahil doon, biglang nakundisyon ang katawan ng binata. Hindi niya na inalintanang kagagaling lang sa sakit. Ang pamilya a

