[CHAPTER 24] ◌●◌ HABOL-HABOL PA rin ni Chaos ang paghinga. Ngayon niya naramdaman ang matinding pagkahapo na hindi pinapansin kanina. Hinila niya si Francine sa loob na bahagi ng kweba. Napakaliit kase ng bunganga niyon. Isang tao lang ang kakasya sa pagpasok. Habang pumapasok sa looban ay mas lumalaki ang pagitan kaya unti-unti silang nakakagalaw nang maayos. Sa gitnang bahaging niyon ay kakasya ang dalawampung-katao. Pwede nilang pagtulugan iyon habang naghihintay na mag-umaga. “Phone, France?” tanong niya sa dalaga matapos ibaba ang suot na bag. Binuksan ni Francine ang flashlight ng cellphone kaya nakikita niya na ang nasa paligid niya. Kaagad na kinuha ng dalaga ang flashlight na nasa loob ng bag. Nang makuha iyon ay binuksan niya ang flashlight at ibinigay kay Francine. Mabi

