[CHAPTER 25] ◌●◌ HINDI PA RIN nawawala ang pagkakakunot ng noo ni Chaos habang nakatingin sa mga humahabol kay Francine. Naroon pa rin ang mga Suldaga sa kalat-kalat na bahagi ng gubat. Hinahanap ang dalaga. Tila mga mangangaso na sisiluin ang kanilang biktima sa oras na makita ito. Nasa itaas siya ng puno at matyagang nagmamasid. Hindi siya makakakuha ng pagkain kung ang kapalit naman iyon ay buhay ng dalaga. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi bumalik sa kweba. Tanging tatlong buko lang ang nakuha niya. Sapat para may pamatid uhaw sila. Nakasampay iyon sa balikat ng binata habang walang pang-itaas. Suot pa rin kase ni Francine ang damit niya. Muli siyang naging maingat. Walang ingay na naglakad at pabaling-bali ng tingin sa paligid habang kumukuha ng mga tuyong sanga para may

