HINDI AKALAIN ni Jasper na masasaktan siya ng todo-todo lalo na ng gabing iyon. Sa pagpapalit ng taon, hindi mabilang na pana ang sabay-sabay na sumaksak sa kanyang puso. Halos wala siyang kalaban-laban ng tumama iyon sa kanya at minabuti niyang damahin na lang ang sakit na nararamdaman ng puso niya. “Huli na nga talaga ang lahat!” malungkot at walang lakas niyang sabi sa sarili niya. Nagdere-deretso si Jasper sa paglakad hanggang sa may kamay na humawak sa balikat niya at napahinto siya. “Pre,” malungkot na wika ni Robert. Humarap si Jasper sa kanila, “Oh, bakit kayo sumunod sa’kin? Hindi pa tapos ang surprise party para kay Ashley.” Kalmadong wika niya. “Are you okay, Jasper?” malungkot na tanong ni Cathy at tumingin ng seryoso sa mukha niya. Tumango naman siya at saka ngumiti ng ba

