NANG MAKARATING si Lexter sa pinag-iwanan nila kay Ashley kanina, nakita niya ang ekseneng magkayakap si Ashley at si Jasper. Napakunot ang noo niya at napasarado ang mga daliri sa kamay. Hinintay niya muna na magbitiw ang dalawa sa pagkakayakap bago siya lumapit. “Ashley, kanina ka pa namin hinihintay.” Kalmadong wika ni Lexter, kinabahan naman si Ashley at napatingin kay Lexter. “O’ tamang-tama, magkasama pala kayo. Kayo na lang ang kulang upang makakain na tayo. Gutom na kami kakahintay sa inyong dalawa.” Nakangiti niyang wika. “Pasensya na, Lexter. Hinintay ko pa kasing dumating ‘yong guardian ni Mathew, ‘yong batang nakita ko kanina sa tabi ng malaking puno na iyan.” Sabay turo niya sa puno. Ngumiti naman si Lexter at kinuha ang braso niya. “Let’s go na.” at nagsimula na silang lum

