NABALITAAN nina Ashley at Lexter ang paglutas sa problemang pagkakalat ng video, kung saan naging masaya sila para kay Carlos at laking pasasalamat din nila dahil si Carlos ang naging daan upang hindi na lumabas ang issue na iyon. Malaking kasiraan sa buong campus kapag nakarating pa ang balitang iyon sa kataas-taasan sa larangan ng edukasyon. “Masaya ako para kay Carlos dahil nahanap na niya ang para sa kanya.” Masayang wika ni Ashley habang kumakain sila. “Masaya rin ako para sa kanya.” Nakangiting wika ni Lexter. Normal na ulit ang kaganapan sa buong campus. Masaya ang mga studyante sa mga bagay na ginagawa nila. Ang mahalaga lang naman sa buhay ay minamahal natin ‘yong mga bagay na gusto natin gawin. Kasabay no’n ang pagiging mapagpasalamat sa lahat ng biyayang dumarating sa buhay

