HINDI MAPALAGAY si Abigael, gusto niyang malaman ang rason ng mga Crazy Trios kung bakit gano’n na lang nila itrato si Ashley at kung bakit gusto nila itong mawala sa paningin nila. “Kailangan kong malaman ang rason nila kung bakit gusto nilang mawala si Ashley sa paningin nila?” seryosong wika ni Abigael pagkabalik nila sa waiting shed. “Gano’n ba? Sige, tulungan ka namang malaman ang bagay na iyan.” Nakataas-kilay na wika ni Daisy. “Kailangan ko rin makita ‘yong kinder na babaeng kumuha ng cellphone ko.” Malungkot na wika naman ni Princess. “Sige, tutulungan kitang hanapin siya para mabigyan din natin ng parusa dahil sa pagiging pasaway niya. Hindi ko rin gusto ang tabas ng bibig no’n.” mariing wika naman ni Donna. Pagkatapos ng usapan nila, naghiwa-hiwalay na sila. Magkasama sina D

