NAG-AALALA si Lexter sa balitang kumalat sa buong campus. Hindi niya akalaing masasangkot ang pangalan niya sa pekeng balitang iyon. May pakiwari siya na kagagawan iyon ni Abigael, kabilang ang mga alipores nito. Nagtataka rin siya kung bakit hindi niya nakikita si Ashley mula pa kanina. Naglakad na lang siya upang hanapin si Ashley, nag-text at call din siya ngunit hindi naman nagre-response sa kanya. Nagpatuloy na lang siya sa paghahanap kay Ashley nang magkrus ulit ang landas nila ng pinsan niyang si Jasper na kasalukuyan din pala nitong hinahanap si Ashley. Napakunot-noo si Lexter at napahinto. “Ikaw na naman?” medyo iritado niyang wika, ngunit ipinakita niya kay Jasper ang pagka-cool niya sa kabila nang problemang kinahaharap niya ngayon. Nagpamulsa naman si Jasper saka ngumisi sa h

