DAHAN-DAHANG lumakad si Ashley sa kinaroroonan ng dalawang Lim. “Ash, absent ka kahapon?” iyon kaagad ang naibungad ni Lexter pagkalapit na pagkalapit ni Ashley sa kanila. Nakatingin naman si Jasper sa mukha ni Ashley habang si Ashley ay nakatingin kay Lexter. Hindi niya tiningnan si Jasper at ang sunod niyang ginawa ay naupo sa tapat nilang upuan. Pagkatapos, naupo rin si Lexter habang si Jasper ay nagsimula nang maglakad. Doon pa lang tumingin si Ashley kay Jasper, nang makalabas na ito ng canteen. “Oo, absent ako. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay. Ano pala ang nangyari kahapon?” “Ahh…” pagtango ni Lexter, “Wala naman.” tipid niyang sagot. Napatango naman si Ashley at saka mapanuring tiningnan si Lexter, “Eh bakit nyo inaway si Abigael? May ginawa na naman ba siyang hindi mag

