MASAYANG-MASAYA si Lexter dahil narinig niya ang matamis na ‘oo’ ni Ashley, ang matagal na niyang pinapangarap. Simula ng makita niya ito at makasama, wala siyang ibang ninais kung hindi ang maging masaya si Ashley at tulad ng gusto nito ay ganoon din ang hangad niya para rito, iyon ay ang ma-enjoy nito ang high school life. Sa kabilang banda naman, maraming gumugulo sa isipan ni Ashley pagkauwi niya ng bahay. Nasa terrace siya at nakatanaw sa malayo habang napapaisip sa kinilos at mga sinabi sa kanya ni Carlos. Nagdadalawang-isip siyang sabihin kay Lexter ang mga iyon dahil ayaw niyang sirain ang masayang nararamdaman nito dahil sa pagsagot niya rito. Maya-maya ng konti ay tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon sa bulsa ng salawal niya at tiningnan. (Hello Ash, baby o Mine? A

