NANG makabalik na si Lexter sa School, nasa isipan pa rin niya ang katanungan tungkol sa estadong mayroon si Ashley. “Mayaman si Ashley?” tanong niya sa isipan niya habang patuloy sa paglalakad papunta sa Guidance Office. Habang naglalakad siya ay naririnig niya ang mga usap-usapan tungkol sa ginawa nila Abigael kay Ashley at pati ang pagkakasangkot ni Cathy sa pangyayaring iyon. “Hindi ko lubos na maisip na ang ating Campus Muse ay gagawa ng hindi maganda rito sa School natin… Okay pa sana kung sila Abigael lang ang nandoon e kaso pati si Cathy.” malungkot na saad ng isang babae. “Oo nga e… isa pa naman siya sa hinahangaan ko.” sagot naman ng isa. “Nang malaman ko nga na nakipag-break ang Campus Asset natin sa kanya, nalungkot ako kasi gusto ko sila… Bagay sila.” dugtong pang sabi nit

