PAGKATAPOS mag one on one nina Jasper at Robert, "Pre, mauna na ko sa'yo sa Canteen..." bitbit ang gamit niya. "Sumunod ka na lang ha?" paalam ni Robert, tumango na lang si Jasper at niligpit na rin ang gamit niya. "Pwede po bang magtanong?" Napahinto sa paglakad si Jasper at tiningnan niya ang babaeng nagtatanong sa isa sa mga schoolmate niya. "Ano 'yon?" sagot ng babae. "Saan po rito 'yong registrar office?" sunod na tanong ng babaeng naka-civilian . "Diretso ka riyan 'tapos kaliwa ka." pa-guide na sabi ng isang studyanteng babae. Nagpasalamat 'yong naka-civilian na babae at saka nagderetso sa paglakad. Magpapatuloy na sana si Jasper sa paglakad nang marinig pa niya ang usapan ng mga studyante. "Magta-transfer 'yon dito eh... dahil daw kay Lexter." "Weh? Hindi nga??? Bakit

