PAGKATAPOS NG pagsusuri, nagpatupad si President Lim ng mahigpit na patakaran sa loob ng campus. Wala munang mga studyante ang makikitang nakatambay o nagkalat sa paligid ng paaralan at kung sino man ang mahuhuli ay bibigyan ng parusa na maglilinis ng buong campus, valid lamang ang patakarang iyon hanggang matapos ang pagsusuri nila. Lumabas na rin ang resulta ng pagsusuri, at dahil do’n pinanagot ang may kasalanan. Napagbotohan na tanggalin si Sir Carito sa paaralan dahil sa masama nitong hangarin habang si Carlos naman at ang mga bakarda niya ay naglilinis ng buong campus hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral. Naging masaya naman si Cathy dahil walang nangyari kay Jasper, sobra-sobra pa rin ang pag-aalala niya rito kahit na matagal na silang tapos. Naiintindihan naman ni Robert si

