NANG DAHIL sa pangyayari sa rooftop, kalat sa buong campus ang mga naganap. Nasa tig-isang detention room sina Jasper at Carlos habang si President Lim at ang mga staff ay magsasagawa ng pagsusuri upang malaman kung sino ang tunay na nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi. Pag-aalala naman ang naghari sa puso ni Ashley lalo na ng makita niya si Jasper na may sugat sa gilid ng labi at may pasa sa mukha, nababahala rin si Lexter. Hindi niya lubos maisip na aabot ang lahat sa gano’n. Sina Cathy at Robert naman ay napapaisip sa kung anong maaaring mangyari kay Jasper pagkatapos nitong masangkot sa g**o. Pasimpleng tuwang-tuwa naman ang mga sossy dahil sa kaganapang iyon lalong-lalo na si Abigael, mas madali na para sa kanya ang gumawa ng mga balita lalo na’t may mga litrato siya bilang ebid

