HABANG papunta si Jasper sa restroom, nakita niya si Lexter sa Shed at may kausap ito sa cellphone. “Si Ashley kaya ang kausap niya?” tanong niya sa sarili niya kaya lumapit siya ng konti upang marinig ang sinasabi ni Lexter. Pagkatapos ng mga nangyari kay Ashley, iniisip ni Jasper kung paano siya makakabawi kay Ashley. “Sige, magpagaling ka ha at nang marinig mo itong gawa kong tula para sa contest.” Rinig niyang sabi ni Lexter, nakangiti pa ito habang kausap ang nasa kabilang linya. “Oo promise! Naiintindihan ko na.” Sagot pa ni Lexter. Nagdere-deretso na si Jasper hanggang sa nakarating na siya sa restroom. Masaya naman si Lexter pagkatapos niyang makausap si Ashley sa cellphone. Ipinaliwanag sa kanya nito ang dahilan niya kung bakit hindi siya nagpakilala na galing sa mayam

