PAGKATAPOS ng matinding pambubully ng mga sossy girl kay Ashley, minabuti ng mga ito na mag lie-low muna. May punishment din kasi silang kailangan matapos upang hindi makarating sa mga magulang nila ang kalokohang ginawa nila sa School. Nagseryoso naman si Cathy sa punishment na ibinigay sa kanya at gusto niyang maibalik ang pangalang pinangarap niya noon pa man pati na rin ang maayos ang relasyon nila ni Jasper. Lahat ay gagawin niya maayos lang ang kung anong meron sila ni Jasper noon. Sa kabilang banda naman, nag-decide na si Jasper na babawi siya sa lahat ng atraso niya kay Ashley. Magsisimula na ang pangalawang event ng Paaralan, ang Buwan ng Wika. Nasa court ang lahat ng mga studyante at mga guro upang pormal na umpisahan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. “Okay students, Ngayong

