Chapter 2: Top News! Fake News!

1678 Words
Kinabukasan... Pagkapasok ni Ashley sa Campus. Nakita niya kaagad na maraming taong nakakumpol sa may malapit sa Shed, sa bulletin board doon. Dahil sa bulungan doon, bulungan dito na-curious si Ashley at tiningnan niya ang pinagkakaguluhan ng mga studyante. Nang makita niya kung ano iyon, agad siyang kinabahan. "Ano 'yan?" nakakunot-noo niyang tanong at agad siyang sumingit sa mga studyanteng nandoon. Nang nasa harap na siya ng bulletin board ay agad niyang kinuha sabay lamukot sa papel na naka-post sa bulletin board. Nagsitinginan naman sa kanya ang lahat ng studyante at pumalibot pa ito sa kanya saka nagbulungan ang mga ito. "Excuse me." wika ni Abigael. Nagsitabi naman ng konti ang ilang studyante at nang nakalapit na siya kay Ashley ay agad niya itong sinampal. "Ambisyosa!" paratang na sabi ni Abigael at lalong umingay ang buong paligid. Napahawak naman sa pisngi si Ashley at tumingin ng masama kila Abigael. "Ano na naman ba ito, Abigael?" huminga pa siya ng malalim bago niya tanungin si Abigael. "Wala naman akong ginagawang masama sa inyo. Bakit ba lagi nyo na lang akong pinagtitripan?" inis na tanong pa niya. "Dahil isa kang loser." seryosong sabi ni Abigael. Napabagsak ng balikat si Ashley sa narinig niyang winika ni Abigael. Ganito ba talaga rito? Kapag nobody ka, wala ka nang karapatang kumilos ng malaya. Napapunas ng luha si Ashley. "Huwag kang magdrama. Hindi ka drama queen para magpaawa-effect dito." sabat naman ni Daisy. Lumapit naman si Donna kay Ashley at itinulak siya. Nabuwal naman siya at napayuko na lang habang umiiyak. "Let’s go na nga. Wala naman tayong mapapala sa loser na imba girl na 'yan." wika ni donna. "Iyan ang bagay sa'yo." sabi naman ni Princess at saka siya binangga. Nang nakaalis na ang apat na sossy girls. "Totoo kaya 'yong naka-post na iyon sa bulletin board. Sila na ba ni Jasper?" tanong ng isang babae. Rinig na rinig naman ni Ashley na pinag-uusapan pa rin siya. Hindi makatayo si Ashley dahil sa panginginig. Inis na inis kasi siya sa nangyayari ngunit kailangan niyang panindigan ang desisyong pinili niya. Ayaw ding magpaawat ng mga luha niya. "Hindi siguro. Baka nangangarap lang siya. Nakakahiya naman." sabat naman ng isang babae. At nagsi-alisan na ang mga studyante. "Hindi ako ang may gawa no'n. Hindi naman totoo ang lahat ng iyon." at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Ano bang dapat kong gawin upang tigilan na ako nila Abigael at hindi na nila ako pagtripan at pahiyain?" bulong niya sa sarili niya hanggang sa napansin niyang may katabi na pala siya. "Anong binubulong-bulong mo riyan?" napa-angat naman ang tingin niya sabay punas sa pisngi at mata niya. "Jasper." mahina niyang sabi. Medyo gumaan ang pakiramdam niya nang masilayan niya muli ang mukha ni Jasper. "Oh, bakit umiiyak ka na naman?" pagtatakang tanong ni Jasper. "Halika nga." tinulungan siya nitong tumayo at pumunta sila sa Shed upang maupo. "Bakit ka umiiyak?" seryoso niyang tanong kay Ashley. Magaan ang loob ni Jasper kay Ashley simula noong una pa lang kaya sa t'wing nakikita niya itong mag-isa ay nilalapitan niya at sa t'wing nakikita niyang ginagawan ng hindi maganda ng mga sossy girl ay tinutulungan niya. "Wala, napuwing lang ako." sagot ni Ashley at pilit na ngiti ang ibinigay kay jasper. "Wala? Talaga?" napataas ang kilay ni Jasper. "Oh baka naman sila Abigael ulit ang dahilan?" patanong na wika ni Jasper. Hindi kaagad nakapagsalita si Ashley. Nakatingin lang siya sa mukha ni Jasper. Kinuha naman ni Jasper ang panyo niya at pinunasan ang luha sa pisngi nito. Hindi maipaliwanag ni Ashley 'yong nararamdaman niya. Seryoso naman ang mukha ni Jasper habang pinapahiran ang luha sa pisngi niya. Nakita naman ng dalawang babae ang eksenang iyon kaya, "Mukhang totoo yata 'yong post sa bulletin board. Mukhang may relasyon nga sila." malungkot na saad ng isang babae. "Oo nga." malungkot ding sagot ng isa. Napatingin naman si Jasper sa dalawang babaeng nag-uusap. Clueless ang mukha ni Jasper sa mga narinig niya. Nang ibaling na niya ang tingin niya kay Ashley. "Ah... Jasper." nagmamadaling tumayo si Ashley. Napalitan naman ng pagtataka ang expression ng mukha ni Jasper. "Mauna na ko baka ma-late pa ko sa klase ko." paalam niya at hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Jasper. Umalis na siya kaagad. Pagpasok niya sa Classroom. Nakatingin ang lahat sa kaniya. Napayuko naman si Ashley habang naglalakad papasok sa loob. "Loser na, flirty pa. Nakakainis!" wika ni Abigael. "You are right, Abi. Masyadong nagpapasikat." sabat naman ni Daisy. Naririnig niyang usapan ng mga sossy. Naupo na lamang siya sa upuan niya. Nakatingin pa rin sa kanya ang buong klase. "Alam kaya ni Jasper iyon? Alam niya kayang may girlfriend na pala siya?" patanong na sabi ni Donna at saka sila natawa. "Hindi pa yata." sabat naman ni Princess. "So let’s go guys, sabihin natin para matigil na ang pangangarap ng isang loser diyan." dugtong pa nitong sabi. Napayukyok nalang si Ashley sa table niya at isinalpak ang earphone sa tainga niya upang hindi marinig ang pinag-uusapan ng mga sossy girl. "Huwag, Princess." hindi pagsang-ayon ni Abigael. "Hindi na niya kailangang malaman lalo na kung sa atin manggagaling." seryoso niyang sabi. "Bakit naman, Abi?" tanong ni Donna. "Hindi maniniwala 'yon!" sagot naman ni Abigael. Naging top news si Ashley ng buong campus dahil sa pangyayaring iyon. Maya-maya, "Let’s go." aya ni Abigael at saka sila lumabas ng room. Habang nagpa-praktis sina Jasper at Robert sa gym, "Parang ang weird ng mga studyante ngayon, pre." wika ni Jasper habang nagpapatalbog ng bola. "Bakit naman?" tanong naman ni Robert. Nag one on one sila sa pagpa-praktis ng basketball. "Parang may ibang issue at pansin kong mukhang kasama ako sa issue na iyon." seryosong sagot ni Jasper. "Sikat ka, pre. Malamang na laging ikaw ang pinag-uusapan ng mga studyante rito." napahinto ito. "Pre, restroom lang muna ako." sabay hagis niya ng bola kay Jasper at sinalo naman iyon ni Jasper. "Okay pre." sabay shoot niya ng bola sa ring. Pagkaalis ni Robert sa gym, naglalakad ito papuntang restroom nang masalubong niya sila Abigael. "Hi Robert." bati ni Abigael sa kanya sabay hawak sa balikat niya. Pumalibot naman ang tatlo sa kanya at mga nakangiti. "Anong kailangan nyo, Abi?" tinanggal niya ang kamay ni Abigael sa balikat nya. Napangisi naman sila. "May gusto lang kaming sabihin sa'yo." wika naman ni Donna. "Tungkol saan naman?" pagtataka niyang tanong dito. "Tungkol sa bestfriend mo at kay imba girl." pa-cross arms na sabat ni Daisy. "Imba girl? Who's imba girl?" takang tanong niya. Napataas naman ng kilay si Abigael sabay ngisi. "Si Ashley Perez. 'Yong babaeng tinulungan ni Jasper." pa-cute na sagot naman ni Princess. Napatango naman siya at, "Ano namang tungkol sa kanila?" deretsang tanong niya rito. Ngumiti naman silang apat at nagtinginan sabay balik ng tingin sa kanya. "Hindi mo ba alam ang balita? 'Yong balitang kumakalat at naging top news ngayon sa campus." ngumisi si Abigael. Napataas naman ang isang kilay niya. "Pinagkalat lang naman ni Ashley 'hashtag imba girl' na may relasyon sila ni Jasper. Proud na proud pa nga ang gagà at idinikit pa sa bulletin board sa lobby." pagkukwento ni Abigael at sabay irap niya na pagpapakita na naiinis siya. "Kaya pala..." bulong ni Robert. "Kaya kung ako sa'yo, bilang bestfriend ni Jasper sasabihin ko na sa kanya kung anong nangyayari dahil mukha siya ang topic sa buong campus." payo ni Donna "Okay lang naman ang sikat at pinag-uusapan pero kung hindi naman maganda ang kumakalat na news sa kanya, better na ayusin na niya hangga't maaga pa. Mahirap na, baka masira pa ang reputasyon niya bilang asset ng campus natin." pagkasabi ni Donna noon. Agad siyang umalis at iniwan ang apat. Pagbalik niya sa gym. "Oh pre." sabay hagis ng bola ni Jasper sa kanya. "Praktis na. Tara!" aya pa nito sa kanya. "Teka lang pre." naupo siya sa bench at inilapag ang bola. Lumapit naman si Jasper at naupo rin. "May problema, pre?" takang tanong ni Jasper sa kanya. Hindi kasi maipinta ang pagkunot ng noo niya. "Mukhang alam ko na pre kung bakit parang weird 'yong mga studyante at mukhang ikaw ang pinag-uusapan nila." pagkasabi niya noon, napakunot naman ang noo ni Jasper at tumingin ng seryoso sa kanya. Oo, sikat si Jasper sa school ngunit ang pag-usapan siya sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya natutuwa. Ayaw niya na may kung anong kumakalat tungkol sa kanya na wala namang kinalaman sa pagiging asset niya sa campus. Ayaw na ayaw niyang masisira ang magandang reputasyong mayroon siya sa sarili niyang paaralan. "May kumakalat na balita tungkol sa'yo at sa babaeng tinulungan mo last time." seryosong sabi niya kay Jasper. "Kumakalat na balita sa akin at kay Ashley?" takang tanong nito. Tinanguan naman niya ito. "Oo pre. Kayo na raw ni Ashley." pagkasabi niya noon ay sumeryoso ng husto ang mukha ni Jasper. Hindi ito makapaniwala sa narinig niya. "At nakadikit ang news na 'yan sa bulletin board sa lobby" dugtong pa sabi niya kay Jasper. "Sinong may gawa ng pekeng news na 'yan?" medyo galit na tanong ni Jasper. "Si Ashley pre. Siya ang nagdikit at nagpakalat ng balitang iyan. Mukhang dahil sa pagtulong at pagiging mabait mo sa kanya ay akala nya'y may gusto ka na sa kanya." mahabang paliwanag niya at napailing pa siya. Medyo kumunot ang noo ni Jasper. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig nya. "Sabi ko naman sayo, pre. Tama na 'yong isang beses na pagtulong sa babaeng 'yon. Tingnan mo ngayon, dahil sa pagtulong mo sa kanya ito pa ang igaganti niya. Ang magkalat ng mga usap-usapang hindi naman totoo. Medyo feelingera pala yung babaeng iyon e. Konting pakita mo ng kabaitan, may meaning na kaagad sa kanya." hindi niya napigilang magsalita ng magsalita dahil sa inis. "Shut up, pre." inis na sabi ni Jasper dahil sa mga nalaman niya. Napatayo naman siya at pagtatanong na mukha ang ibinigay kay Jasper. "Wag mong sabihing totoo lahat ng kumakalat tungkol sa inyo?" inis niyang tanong. Tumayo naman si Jasper at, "Mamaya na lang tayo magpraktis. May pupuntahan lang ako." at agad siyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD