Chapter 5: Quizbeetiful |Round One

1860 Words
PINUPUNASAN ni Ashley ang luhang ayaw magpapigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata. Punas siya ng punas ngunit ayaw talagang magpaawat ng mga luha niya. Mas lalo pang dumoble 'yong sakit na nararamdaman niya dahil parang walang nakita si Jasper. Parang hindi siya nito nakilala. Parang walang Ashley na nag e-exist na dati niyang kinakausap at tinutulungan. Nanatili siyang nakayuko at nakahawak ang dalawang kamay sa sahig. “Ops... Umasa ka no?” nakangising tanong ni Abigael. Napataas ng tingin si Ashley sabay punas ng luha niya. “Akala mo, tutulungan ka ulit ni Jasper. Huwag kang assuming. Never nang mangyayari iyon.” sabay hawak niya sa chin ni Ashley. Napangiwi si Ashley. “Ikaw kasi e. Masyado kang ilusyunada na feeling mo type ka niya. Huwag gano'n.” at saka niya binitawan ng pabigla ang chin ni Ashley. Pagkatapos no'n, tumayo na si Abigael. Nagtawanan ulit sila. Tumingin naman si Ashley ng masama kay Abigael. “Tigilan nyo na nga ako.” pakiusap ni Ashley. “Akin na 'yang libro ko.” tatayo na sana si Ashley nang, “Oh!” ibinato ni Abigael ang libro kay Ashley at saka tumalikod. “Let’s go na guys.” at saka lumakad palabas ng pintuan ng classroom kasunod ang tatlo. Kinuha ni Ashley ang librong tumama sa katawan niya na nasa sahig na ngayon. At pagkatapos noon, tumayo na siya. Nakatingin lang sa kanya ang mga studyanteng naroon sa room. May ilang naaawa kay Ashley ngunit ayaw makialam at may ibang pinagtatawanan siya. Nang naayos na ni Ashley ang gamit niya dumeretso labas na rin siya ng Classroom. Nagsimula na ang unang contest sa pagdiriwang ng Nutrition Month. Nasa Gym na ang lahat ng studyante. Nakaupo sila sa tig-iisang mono block chair na may sapin na Asul na tela. Ang mga kalahok naman ay nasa stage ng Gym at may tig-iisang standing mic at buzzer sa bawat year level. Ang mga kalahok ay walong studyante, tig-dalawang representative sa bawat year level. Tumayo na ang host sa gitna at nagsalita. “Ngayon, quizbeetiful ang una nating palaro at sa nakikita ko, naggagandahan ang ating mga kalahok. Mukhang mga beauty with the brain ang mga nag-aaral dito sa University of Manila.” pasimula ni Mister Santos, ang master of the contest. “Tama ka riyan! Mukhang masusubok ang galing ng ating mga mag-aaral mula sa iba’t ibang year level.” wika naman ni Misis Reyes, ang partner ni Mister Santos. “Bago ang lahat, ipakilala muna natin ang ating mga kalahok.” dugtong pa nito. Sinimulan ni Misis Reyes lumakad papuntang kaliwa ng stage kung saan may apat na kalahok at si Mister Santos naman ay sa kanan bahagi ng stage kung saan may apat din na kalahok. “Okay, mula sa first year level. Ang mga kalahok ay sina Anna at Cristine.” pakilala ni Misis Reyes at nagpalakpakan ang mga studyanteng nanonood sa Gym at nagchi-cheer ang mga first year level. “Mula sa second year level. Nandito sina Erica at Jamaica.” pakilala naman ni Mister Santos at nagpalakpakan ang mga studyanteng nanonood sa Gym at nagchi-cheer ang mga second year level. “Okay!” at pumunta naman si Misis Reyes sa sumunod. “Third year level ay sina Klea at Nerie.” pakilala ni Misis Reyes at nagpalakpakan ang mga studyanteng nanonood sa Gym at nagchi-cheer ang mga third year level. “At sa senior, ang mga fourth year level. Ito ay sina Abigael Cai at Ashley Perez.” pagpapakilala ni Mister Santos sa huling year level na kalahok at nagpalakpakan ang mga studyanteng nanonood sa Gym at nagchi-cheer ang mga fourth year level. “But wait, I will explain first the mechanics of our contest. The first round, we have ten questions as for group level. Meaning, Magkakampi ang bawat year level at isa lang ang pwedeng pumindot sa buzzer at kung sino ang pumindot ay siya lang ding may karapatang sumagot, ngunit p'wedeng tulungan ng ka-partner kung hindi alam ang sagot sa pamamagitan ng whisper the answer. Ngayon, ang year level na magkakamit ng mataas na puntos. Sila ang mananalo sa first round. The second round, individual na ito. Meaning, kung sinong year level ang manalo, sila rin ang maglalaban sa huli. Isa lang ang magiging kampiyon natin.” pagkatapos mag-explain ni Mister Santos. “Maliwanag ba, mga kalahok?” pagtatanong nito. Nagsi-sagot naman ng sabay-sabay ang lahat ng kalahok “Ayusin mo ha. Ayokong maging loser kagaya mo.” warning ni Abigael kay Ashley nang bumalik na sa puwesto sina Mister Santos at Misis Reyes. Hindi nalang umimik si Ashley. Nagsimula na ang questions and answers ng quizbeetiful contest. Maganda ang mga tanungan at nagsasalitan ang mga year level sa pagsagot. Halo-halong tanong ang ibinato nina Misis Reyes at Mister Santos. Sa unang tanong, naunang mag-buzzer ang first year level kaya sa kanila ang point one. Sa ikalawang tanong, ang third year level ang nakasagot. Sa ikatatlo at ikaapat na tanong ay nasagot ng second year level. At ang pang limang tanong ay nasagot ng fourth year level. Ang naging score ng bawat level ay sa first year is one point, sa second year is two points, sa third year is one point at sa fourth year is one point. May natitirang pang five questions. “Okay, mga brainy nga ang nag-aaral sa University of Manila.” komento ni Mister Santos. “We still have five questions and the year level that reach high score will be the winner in our first round. Let’s proceed.” dugtong na announce ni Mister Santos. “Here’s the question number six.” at binasa ang tanong na nasa papel na hawak ni Misis Reyes. “How water is written scientifically?” pagkabitaw ng tanong ni Misis Reyes agad na nag-buzzer ang third year level. “Okay. Klea, what is your answer?” “H2O is my answer.” sagot ni Klea. “Okay. That’s correct. Point one para sa third year student.” announce ni Misis Reyes. Nagpalakpakan naman ang third year student. “Here’s question number seven.” at binasa ni Mister Santos ang tanong. “Blank is the basic unit of all living things?” Agad na nag-buzzer ang first year ngunit hindi nasagot ang tanong dahil nag-times up kaya napunta kila Abigael ang chance. “Okay, Abigael. What’s your answer?” tanong ni Mister Santos. Tumingin muna si Abigael kay Ashley saka umirap. Nag-unahan kasi sila sa pag-buzzer ngunit si Abigael ang nakapindot dahil inapakan niya ang paa ni Ashley. “Cell.” maikling sagot ni Abigael. “Very good! Point one for fourth year.” masiglang announce ni Mister Santos. Nag-ingay naman sila Donna at todo-todo ang pag-cheer kay Abigael, “Okay, last three questions and the winner will be announcing as a first round game.” wika ni Misis Reyes. “Here’s the question number eight.” pagkasabi ni Misis Reyes ay nag-ready ang mga kalahok upang maunang magkapag-buzzer. “The indication of any future event is known as?” pagkatanong ni Misis Reyes ay agad na nauna ang third year sa pag-buzzer. “Okay. Nerie, Tell your answer.” wika ni Misis Reyes. “Foreshadowing.” sagot ni Nerie at nagsigawan naman ang third year level. “That’s correct!” wika ni Misis Reyes. “Okay! Ang ating points record para sa first year level ay one point, sa second year level ay two points, three points sa third year level at two points para sa fourth year level.” dugtong pa ni Misis Reyes. “Here’s the nineth question. What is the worth of one dime?” pagkabitiw ni Misis Reyes ng tanong, nag-uunahang mag-buzzer ang bawat level. Si Ashley ang nakadali ng buzzer. “Okay, Ashley.” Hindi kaagad sumagot si Ashley dahil sa kaba. Pasimple siyang tiningnan ni Abigael ng masama. Nang malapit ng matapos ang timer, “Ten cents is the answer.” sagot ni Ashley. “That’s correct!” Nagpalakpakan ang mga studyante at nag-eenjoy na manood ng quizbeetiful. Nanatiling one point ang first year level, two points ang second year level, at nag-tie score three points naman ang third and fourth year level. Pinababa na nina Misis Reyes at Mister Santos ang first year at second year level, naiwan sa stage ang third year at fourth year level. “Okay, ang last question natin.” wika ni Misis Reyes. Inapakan ni Abigael ang sapatos ni Ashley dahilan para mapatingin siya kay Abigael. “Aray ko.” pabulong na reklamo niya. “Ako ang sasagot, maliwanag? Huwag na huwag kang magbu-buzzer, okay?” mariing utos ni Abigael. Tumango nalang si Ashley saka tinanggal ni Abigael ang pagkakaapak niya sa sapatos ni Ashley. Nagpatuloy si Misis Reyes upang itanong ang huling tanong sa first round ng quizbeetiful contest. Sa pagbalik ng tingin ni Ashley sa harapan, nahagip ng mata niya si Jasper kasama si Robert na kararating lang. Nagkatinginan sila ngunit agad siyang iniwasan ni Jasper. Biglang may kung anong kumirot sa dibdib ni Ashley habang nakatingin pa rin siya kay Jasper na nakaupo na at nanonood sa kanila. Sa 'di sinasadya, napindot niya ang buzzer. “Yes, Ashley. What is your answer? This is the last question and it is your chance to win in our first round.” wika ni Misis Reyes. “Ashley.” inis na tawag ni Abigael. Napatingin naman si Ashley kay Abigael at bahagyang umiling. Napataas ang kilay ni Abigael. Hindi narinig ni Ashley ang tanong dahil na-pokus ang atensyon niya kay Jasper. Hindi malaman ni Ashley ang gagawin niya. Sa pagbalik niya ng tingin sa lugar kung nasaan si Jasper, nakita na lang niya itong palabas na ng gym. Napayuko na lang si Ashley. “Okay. seven... six... five…” dugtong ni Misis Reyes. “Sinabi ko sa'yo na 'wag kang mag-buzzer 'di ba?” mariing bulong ni Abigael. “Ang slow mo naman para hindi maintindihan iyon.” inis na wika ni Abigael at hinawakan pa nito ng mahigpit ang braso ni Ashley at saka lumapit. “I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” mahinang sabi ni Ashley. “A ninety degree angle is right angle. Just say it.” bulong ni Abigael habang hawak-hawak pa rin ang braso ni Ashley. Madali lang naman ang tanong. Hindi lang narinig ni Ashley dahil natuon ang atensyon niya kay Jasper. Labis talaga siyang naapektuhan sa mga kinikilos ni Jasper, ibang-iba sa nakilala niyang Jasper. Samo’t saring komento na ang naririnig mula sa fourth year student. “Bakit ba kasi pa-buzzer buzzer pa siya kung hindi naman pala niya alam ang sagot? Siya ang magpapatalo sa year natin eh!" inis na wika nung isa. “Ka-imbiyerna ha!” komento pa ng isa. “Ashley, what is the answer? You have three seconds left.” at nagbilang na si Misis Reyes. Itinaas ni Ashley ang tingin niya. Nakahawak pa rin ng mahigpit si Abigael sa braso niya. Kahit na nasasaktan na si Ashley, hindi siya nagpahalata. Tumapat siya sa microphone at saka sumagot. “Right angle.” sa pagbitaw niya ng sagot, nagpalakpakan ang lahat. Tuwang-tuwa ang fourth year student at maging ang adviser nila. “That’s correct.” Natapos ang unang round sa quizbeetiful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD