KINAUMAGAHAN, matamlay si Ashley habang naglalakad siya papasok sa Paaralan. Gumugulo pa rin sa isipan niya ang mga nangyari. Hindi niya lubos maisip na hahantong sa gano'n ang desisyon niyang maging isang simpleng studyante lamang ngunit kahit na gano'n pa man, pinanindigan niya ang kanyang naging desisyon.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakarating na siya sa Lobby Area kung saan maraming studyanteng nakatingin sa may bulletin board. Nang makita siya ng mga studyante na papalapit, agad silang nagtinginan at nagbulungan. Kinakabahan man si Ashley ay nagpatuloy pa rin siya.
“Hindi ba siya yung nag-post ng issue na may relasyon sila ng Campus Asset ng School natin?” rinig niyang bulong ng isang babae sa kasamahan nito. Dinedma na lang ni Ashley ang bulungan at tuluyang lumapit sa bulletin board upang tingnan ang headline post. Agad namang nagsi-iwas ang mga studyante sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit at patuloy pa rin sa pagbubulungan.
“What comes to her mind naman kasi para ipagkalat ang balitang hindi naman totoo?” wika ng isang babae at tumingin ng masama sa kanya.
“So pathetic!” nakangising sabi naman ng isa.
Nagkunwari na lang si Ashley na hindi niya naririnig ang mga usapan habang binabasa niya ang post.
“Dear students, this month we will celebrate Nutrition Month. We have contests and I want everyone to participate. The first game is Quizbeeutiful, the second game is Cooking contest and the last game is Jingle Making. All games held in the gym. See you everyone!” pabulong niyang pagbabasa. Hindi pa man niya natatapos ang pagbabasa ay biglang may tumulak mula sa likuran niya at napadikit siya sa bulletin board. Nagtawanan naman ang mga studyante. Huminga ng malalim si Ashley bago siya humarap sa mga ito. Sa pagharap niya, nakita niya ang apat na sossy girls. Nasa gitna si Abigael at nakataas ang isang kilay habang nasa magkabilang gilid naman ang dalawa nitong kaibigang sina Donna at Daisy at nasa likuran naman si Princess, mga naka-cross arms ang mga ito. Nakagilid na rin ang mga studyante at nagsi-tahimik.
“What does it feel like to be famous?” nakangising wika ni Abigael at saka siya lumapit kay Ashley. Itinulak-tulak pa ni Abigael ang balikat ni Ashley. Hindi naman kumikibo si Ashley at hinahayaan lang si Abigael. “Hindi ba iyan ang gusto mo kaya lumalapit ka kay Jasper?” at tumigil siya sa pagtulak nang nakasandal na si Ashley sa pader. “Your wish was granted!” dugtong pa niyang sabi.
“Happy na?” singit naman ni Daisy at saka nakipag-apir kay Princess.
“Wala akong ibang intensyon, Abi.” mahinahong sagot ni Ashley dahil wala siyang lakas ng loob upang ipagtanggol ang kanyang sarili. Nakatingin naman sa kanila ang lahat ng studyante at naghihintay ng mga maaari pang mangyari.
“Poor Ashley.” sabat naman ni Donna. Lumapit siya kay Ashley at hinawakan ang chin nito. Napangiwi si Ashley at napatiklob ng mga daliri sa kamay. “Do you think, we feel weak about your intention?” at saka niya hinagis ang chin ni Ashley. “Then, think again.” nagtawanan naman sila Abigael.
Nanatiling nakayuko si Ashley.
“Guys, paparating si ma’am.” dali-daling sabi ni Princess. Agad na nagbisi-bisihan ang mga studyante at ang iba ay nagsi-alis na. Napa-angat ang tingin ni Ashley at agad siyang inakbayan ni Abigael.
“Don’t you dare!” bulong ni Abigael kay Ashley at agad tinanggal ang pagkaka-akbay. Nang nakalapit na si Misis Reyes.
“What’s going on here?” seryosong tanong ni Misis Reyes. Tumingin pa ito sa paligid at kay Ashley. “Ashley, right?” baling niya kay Ashley.
“Yes po ma’am.” mahinang sagot ni Ashley at pilit siyang ngumiti.
“Okay ka lang ba rito?” sunod na tanong ni Misis Reyes at lumapit kay Ashley. “Transferee student ka kaya I am a little bit worry if okay lang ang kalagayan mo rito? Okay lang ba ang pakikitungo sa'yo ng mga kamag-aral mo? Nila Abigael?” derektang tanong ni Misis Reyes. Hindi kaagad nakasagot si Ashley at tumingin siya kila Abigael. Kinalabit naman ni Donna si Abigael dahil kinakabahan ito kung isusumbong ba sila ni Ashley o hindi. Sina Daisy at Princess naman ay nagbisi-bisihan sa cellphone nila. Ngumiti naman si Abigael kay Ashley at hinihintay ang isasagot nito.
“Ashley?” tawag ni Misis Reyes at hinawakan siya sa balikat. “Okay ka lang ba rito?” ulit ng tanong ni Misis Reyes.
“O-okay lang po ma’am.” ngumiti siya pagkasagot niya at saka tumingin kila Abigael. “Sila Abigael po?” tanong niya at napansin niyang huminga ng malalim si Donna. Napatingin naman si Misis Reyes kila Abigael, ngumiti naman ang mga ito.
“Yes. Sila Abigael, okay ba sila sa'yo? Hindi ka ba nila binubully?” derektang tanong ni Misis Reyes.
“O-okay naman po kami.”
Pagkasabi ni Ashley noon, agad na lumapit sila Abigael at umakbay kay Ashley.
“Yes po ma’am. Okay na okay po kami. Sa katunayan nga po, pinag-uusapan namin 'yong contests ngayon Nutrition Month.” explain ni Abigael. Napatango naman si Misis Reyes.
“That’s good!” at ngumiti ito. “O’ sya. I'll go ahead.”
“Okay po ma’am.” masiglang sagot nila Donna.
Pagkaalis ni Misis Reyes. Tinanggal ni Abigael ang pagkaka-akbay niya kay Ashley at agad niya itong sinampal. Nagulat naman sila Donna.
“Ouch!” wika ni Ashley at napahawak sa pisngi niya saka niya tiningnan si Abigael. “Pinakaba mo kami.” galit na wika ni Abigael.
“Hindi ko naman kayo isinumbong ha. Ano bang problema n'yo sa'kin?” inis na tanong ni Ashley.
“Wow, hindi ba obvious? Loser ka! Hindi ka nababagay dito.” mariing sabi ni Abigael. Mangiyak-ngiyak si Ashley sa narinig niya na sinabi ni Abigael. Agad naman lumapit si Donna kay Abigael at hinawakan ang braso.
“Tama na, Abi. This is not the right time.” pagpipigil ni Donna.
“Oo nga. Let’s go na, need pa natin mag-prepare sa contest.” singit ni Daisy.
“Tama.” komento si Princess.
Hindi na nagsalita pang muli si Abigael. Tiningnan lang niya ng masama si Ashley, si Ashley naman na nanggigilid ang mga luha sa mata. Nakatiklop din ang mga kamay niya dahil sa pagpipigil. Tumalikod na sila Abigael at umalis. Nang nakaalis na sila Abigael. Nakahinga ng maluwag si Ashley. Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata niya.
Malapit ng magsimula ang unang contest para sa pagdiriwang ng Nutrition Month. Nasa gym ang ilang studyante. Busy naman sila Jasper at ang team niya sa pagpa-praktis ng basketball sa court. Sila Abigael naman ay nasa waiting Shed at nagpapalamig ng ulo.
“Akala ko kalmado ka lang habang kami ay kinakabahan, 'yon pala eh sasabog ka na parang dragon.” wika ni Donna pagkaupong-pagkaupo sa upuan ng Shed.
“Hindi pa natin kontrolado si imba girl. That’s a warning for her.” seryosong sabi ni Abigael. “Para alam niya kung saan siya lulugar.” dugtong pa nito. Napangisi naman sila Donna. Kinuha ni Abigael ang make-up niya sa bag at nag-retouch. Kinuha naman ni Donna ang mobile phone niya at naglaro ng games.
“Abi, ano palang sasalihan mong contest?” usisa ni Daisy, napatigil naman ito sa pagme-make up at tumingin kay Daisy.
“Parang bet ko ang quizbeetiful.” nakangiti niyang sagot.
“Oh! bagay nga sa'yo iyon. Maganda ka kaya bagay na bagay sa'yo ang game na 'yon” pagchi-cheer up ni Daisy.
“But wait! Quizbeetiful?” singit ni Princess. Napahinto si Donna sa paglalaro ng games at tumingin kay Princess na gulat na gulat ang reaksyon.
“Oo, bakit?” nakataas-kilay na tanong ni Abigael.
“Kasali rin si imba girl sa game na 'yon.” sagot ni Princess. Inilagay naman ni Abigael sa bag niya ang make-up kit niya.
“Edi maganda.” nakangiting sagot naman ni Donna. "Mas mapapatunayan nating isa siyang talunan." dugtong pa nito. Tumayo naman si Abigael.
“Tama!” nakangising wika ni Abigael. Nag-apir naman sina Donna at Daisy sabay tawa. Si Princess naman ay nakitawa na rin kahit hindi niya masyadong naintindihan ang usapan.
“Let’s go guys.” aya ni Abigael.
Nangunguna si Abigael sa paglalakad. Nasa magkabilang gilid niya sina Donna at Daisy at nasa likuran naman niya si Princess. Kung titingnan sila habang naglalakad at tinatahak ang papunta sa kanilang Classroom, para silang 4F sa Kdrama. Nagsisigilid ang mga studyante at nakatingin sa kanila.
Nang makarating na sila sa Classroom. Nakita kaagad nila si Ashley na nasa isang upuan doon sa bandang gitna at nagbabasa. Lumapit sila rito at agad na kinuha ni Abigael ang librong binabasa nito. Nagulat si Ashley at napatayo.
“Akin na 'yan, Abigael.” wika ni Ashley at kukunin niya sana ang librong hawak ni Abigael nang iniwas ito ni Abigael at itinaas niya ang kamay niya. Napaagaw sila ng atensyon at nagtinginan sa kanila ang lahat ng studyante sa loob ng Classroom. Nagtawanan naman sila Donna.
“Paano kung ayoko?” pang-aasar ni Abigael. “Anong gagawin ng isang loser na tulad mo?” nakangisi pa niyang tanong.
Nanatiling nakatayo si Ashley. Kaharap niya si Abigael at nasa likuran naman ang tatlong sina Donna, Daisy at Princess. Nagtatawanan ang mga ito. Seryoso namang nanonood ang mga studyante sa kanila at walang nakikialam.
“Ow kawawang imba girl.” panunukso ni Daisy. Nagtiklop ng daliri sa kamay si Ashley at nagpipigil.
“Kahit ano namang gawin mong pagre-review. Mananatili kang loser sa paningin namin.” mariing wika ni Donna.
Nagtawanan ulit sila. Hindi pa rin lumaban si Ashley at patuloy niyang pinapakalma ang sarili niya. Ayaw niyang patulan sila Abigael dahil baka humantong pa ito sa Guidance Councilor at malaman pa ng mommy niya. Kaya kahit sobra na ang pambubully nila Abigael sa kanya, hinahayaan niya ito at hindi pinapatulan.
“Loser!” wika ni Abigael sabay tulak sa balikat ni Ashley. “Loser!” ulit pa niya. Napayuko si Ashley habang paulit-ulit na tinutulak ni Abigael ang balikat nito hanggang sa napaupo ito sa sahig. Nagtawanan ulit sila.
“Ops! Ang clumsy naman ng loser na ito.” bulalas ni Daisy.
Sa sobrang pagpipigil ni Ashley na hindi lumaban, hindi na niya napigilan ang luhang nag-uunahang pumatak mula sa kanyang mga mata. Kahit na may kakayahan siyang lumaban ay ayaw niyang gawin dahil ayaw niyang malaman ng mommy niya at mag-aalala pa ito sa kanya. Nasa High School level na siya at ayaw niyang maging parang Elementary level na pumupunta pa ang magulang upang magreklamo sa Management ng School dahil hindi ito nagiging aware sa mga bullying crime. Napahinto naman sila Abigael nang makita nila si Jasper na pumasok sa room.
“Si Jasper, Abi.” wika ni Donna.
Nanatiling nakatahimik ang mga studyante. Napatingin sila kay Jasper na dinaanan lang sila Abigael at dumeretso sa locker ng room. May locker kasi ang bawat room dito sa University of Manila. Napataas naman ang tingin ni Ashley nang dumaan si Jasper sa kanila ngunit ni ang tingnan siya ay hindi nito ginawa. Nagsi-ngisi naman sila Abigael. Nang makuha na ni Jasper ang pamalit niyang damit, agad siyang lumabas ng Classroom.