Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Isang babaeng mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin ang nasa harapan ko. Isang babaeng kamukhang-kamukha ko. Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin pa rin sa kaniya, ang mga luha ko ay hindi ko mapigilan na huwag tumulo dahil sa saya na aking nararamdaman. "Anak,"tawag nito ulit sa akin, "Ikaw nga 'yan." Halos matumba ako dahil bigla na lang ako nitong dinambahan ng yakap. Isang yakap na sobrang pamilyar at nagbibigay sigla sa akin. "Ikaw po ba ang aking ina?" Gulat na tanong ko. Hindi pa rin ako tumutugon sa yakap dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Kung totoo man na siya ang aking ina ay labis-labis ang aking pasasalamat at sa wakas ay nakita ko na rin ang mga ito. "Ako nga anak, ako nga,"tugon niya at mas lalong hin

