"Kung gayon ay naiintindihan ko na kung bakit mo 'yan nararamdaman. Natural lang naman iyan sa ating lahat, kahit ako nga ay ganiyan din ang naramdaman ko noong nagkaroon kami ng pasulit sa kurso na aming kukunin." Paliwanag nito at tumabi sa akin, "Ang nararapat mo lang gawin ay ang mag-aral ng mabuti. Hindi naman ito ganoon kahirap." "Nag-aaral naman po ako ng maayos pero hindi lang talaga mawala sa isipan ko na paano kapag bumagsak ako,"tugon ko rito. Ngumiti lang ang prinsesa sa akin at naramdaman ko na lang ang mainit nitong mga kamay na humawak sa aking balikat. Ibinaling ko ang atensiyon ko rito na ngayon ay naka-ngiti lamang habang nakatingin sa aking mga mata. "Huwag kang mag-alala,"sambit nito, "Walang taong makakalamang sa iyo sa mundong ito. Nawa ay huwag mong hayaan na kunin

