Kung kaya ay siguradong-sigurado na magtatagumpay ako kung gusto ko man magkaroon pa ng dalawa. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang maisip ko ang galit sa mga mata ni Minerva. Panigurado ay magagalit na naman iyon at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin kapag may ginawa na naman siya. "Elfrida," tawag ko pabalik dito. Nagmamadaling tumakbo ang babae habang iniiwasan ang mga kaklase ko na palabas na sa silid na ito. Ilang sandali pa ay nakarating na ito sa aking harapan at mabilis akong yinakap. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo," sabi nito at bumuntong hininga, "Halos ilang oras ka rin namin hinintay bago ka gumising at tinignan kami nang parang wala lang." "Pasensiya ka na," sambit ko at ngumiti rito, "Hindi ko kasi inaasahan na matatagalan pa ang pag-

