"Anong meron sa pasilyong iyan? Bakit nawala na 'yong warning signs?" Tanong ko rito at tumigil sa paglalakad. Hindi na ako nag-abalang tignan pa si Morris pero nararamdaman ko ang paglapit nito sa akin. "Ayan ba? Hindi rin ako sigurado eh. Sabi-sabi may malaking halimaw daw diyan," paliwanag nito. Pagkatapos ng opening ceremony ay agad kaming lumabas sa Hall. Hahanapin na muna namin sina Athena at Forrest. Saan kaya napadpad ang dalawang iyon? Gusto ko man malaman ay malabo itong mangyari. Gaya nga ng sabi ko noon, hinding-hindi na pwedeng gamitin ang kapangyarihan sa paaralan. Kapag nalaman ng mga ito na may estudyanteng gumamit ng kanilang kapangyarihan ay maaring ito ang magiging dahilan ng pagkatanggal nila sa paaralan. Medyo napapagod na daw siya kakahanap sa kanila. Paano na la

