Kung isang normal na araw lang to sigurado pumunta na ako sa kabilang gate at naka pasok na ng campus. Pero hindi, ngayon, sinusubukan na naman ako ng mundo sa pasensya ko. Gusto ko na sanang umalis dito pero nasasaakin ID ng taong to. "Kuya di ko talaga sinasadya eh, nagmamadali na ako akala ko talaga ID ko. Sa kaibigan ko po yan. Sorry po." sagot ni Mr. Natividad. Hindi ko alam kung nag seseryoso ba to o tinatakasan lang kasalanan niya. Kaya pala ang bilis maka bigay sa ID kasi may reserba pala. Hindi ko naman kasalanan bakit niya binigay ID niya kagabi, alam naman niyang strikto guards ng CU na kahit pag punch ng ID. Tapos siya pa ang nangakbay. "Sa susunod kasi tignan mo ng maayos. Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita eh." He just nodded. Tumalikod siya at humarap sa aki

