Pagkatapos ay agad naman akong lumabas ng kwarto at nagsimula ng maglakad patungo sa hagdan. Hindi paman ako nakakarating sa may hagdanan ay may na rinig naman akong nagsasalita mula sa kwarto ng aking mga magulang "Kung hindi dahil sa sumpa na 'yon buhay pa sana ang mga anak ko"rinig na rinig kong sabi ng isang lalaki sa loob ng kwarto, kung kaya agad naman akong lumapit sa nakabukas na pinto at tinignan kung kaninong galing itong boses. Pagkarating ko rito ay napangiti naman ako na Makita ang malusog ko na lolo. Ngunit labis ang aking pagtataka ng nakaharap lang ito sa larawan ng buong pamilya naming habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang "Kung hindi dahil sa sumpa na 'yon buhay pa sana ang mga anak ko" . Labis ang aking pagtataka sa sinasabi nito. Sumpa? Anong ibig sabihi

