"Guys,stop it!" nag-aalalang saway ni Jessa. Hindi nila namalayan na pinapanood na pala sila nito. Tumigil naman ang dalawa pero nagpukulan muna ng masamang tingin bago naghiwalay at umahon sa pool. "Hindi pa tayo tapos," galit na sabi in Andrew. Nagulat ito nang makita ang bahagi ng pool na nahaluan ng dugo pero hindi pa rin nawala ang galit. "Kuya," mabilis na nilapitan ni Jessa si Rio at inabutan ng towel. Nakaramdam ng inggit si Andrew. May mag-aalaga rin sana sa kanya kung maayos lang ang kondisyon ni Alianna. He missed his little sister. Lalo tuloy siyang nanggagalaiti kay Rio. "Pumunta ka lang ba dito para awayin ang kuya ko?" bakas ang galit na tanong ni Jessa. "Huwag ka nang makialam sa gulo namin," hindi yata siya papayag na pagtulungan siya ng dalawa. Kahit pa siguro

