"Wait up!" Napalingon si Rosalie nang may marinig na tumatawag sa kanya. Hindi niya napagilang mapangiti nang makita si Rio na humahangos palapit sa kanya na suot pa rin ang taekwondo uniform. "Anong kailangan mo?" Ngumiti si Rio, "I beat you. Nasaan ang premyo ko?" "Kay Master mo hingin," sagot niya at tinalikuran na ito pero mabilis siya nitong hinila pabalik. "I'll drive you home. Hintayin mo ako." "Huwag na. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay. Mahirap na at baka may makakita pa mamaya sa'tin." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Rio. "It's okay. Hindi naman ako galit," natatawang ginulo ni Rosalie ang buhok ni Rio, "I'll see you later." Pero imbes na bitawan siya nito ay mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Hinila na siya nito papunta sa parking lot at hin

