"Nasaan na si Lauren?" nagtatakang tanong ni Sorell at nagpalinga-linga sa paligid. "Hindi ko alam. Hindi ba sumunod?" nagtataka ring tanong ni Shaina. Napahinto sa paglalakad si Sorell at kinuha ang cellphone sa bulsa para tawagan si Lauren. "She wasn't answering." "Mabuti pa hanapin natin siya," suhestyon ni Shaina. Napabuntong-hininga si Sorell, "Mabuti pa nga. Ayokong magtampo sa'kin si Lauren." Hindi na tumutol pa si Shaina kahit pa nagugutom na siya. Ayaw niya rin namang lalong magtampo si Lauren kay Sorell. "Nasaan na kaya 'yun?" nag-aalalang tanong ni Sorell kay Shaina habang nakaupo sa garden at kumakain. Dahil hindi nila mahanap ang kaibigan, nagpasya silang kumain na lang. "Mabuti pa puntahan mo mamaya sa kanila. Ayokong mag-away kayo sahil sa'kin." Napan

