Gulat na gulat ang lahat sa sinabi ni Lauren. Napayuko naman ang dalagita sa pagkapahiya at lihim na humiling na sana ay malagutan na siya ng hininga. "You want to go for a coffee with me?" amused na tanong ni Eros at hindi napigilan ang malawak na ngiti. Napakunot noo naman si Emman at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Lalong kinabahan si Lauren. She doesn't even want to go near him, let alone have a coffee with him. Mukhang hindi gagawa ng mabuti ang lalaki bukod pa sa mukha itong naka drugs at daig pa ang manyak kung ngumiti. "Y-yeah." "Bahala na," bulong ni Lauren sa isip. Pikit-mata siyang sasama kay Eros huwag lang mapahiya kay Emman. Mas mabuti nang panindigan niya na ang pagkagusto niya sa lalaki kay sa pagtawanan ni Emman kapag nalaman nitong ito talaga ang gusto niy

