Tahimik na nakatitig si Andrew sa lapida ni Sarah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito. Hindi niya lubos maisip na ganoon siya minahal ng babae. "I'm so sorry," malungkot niyang tinanggal ang mga dahon sa ibabaw ng lapida nito. "Wala akong magawa para pigilan ka. You should have talked to me." Napalingon siya nang marinig ang mahihinang yabag na papalapit sa kanya. He was surprised. Jessa put down the flowers, na magkahalng roses at baby's breath. "You're not supposed to be here," Andrew said. "Drew..." "Let's go." Walang nagawa si Jessa kung hindi umalis agad. "What do you think you're doing?" galit na tanong ni Andrew. "Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo? Ako nga hindi pinapayagang bumisita doon. Saan ka ba humuhugot ng kapal ng mukha

