"My boss is a very private person," wika ng lalaking ayaw magpakilala. Inaya siya nito sa isang tagong coffee shop at dahil naging interesado si Eros sa lalaki ay pinaunlakan niya ang imbistasyon nito. "Bakit ako?" sarkastikong tanong ni Eros. According to the guy, isang mayamang tao ang kausap niya at maaari itong makatulong upang tapusin na ang mga kalokohan ng Blacksmith at maisiwalat ang malalaking taong nasa likod ng sindikatong ito. "Dahil alam kong ginagamit ka lang ng grupo," seryosong sagot ng lalaki. "Huwag mong hintaying patahimikin ka nila, Eros. Mas kailangan ka ni Boss at siguradong kapag nalaman mo ang plano niya, mas pipiliin mong talikuran ang dati mong grupo." Hindi nakapagsalita si Eros. Matagal niya nang gustong talikuran ang grupong kinamumuhian niya. Tama ang lalak

