Palabas na ng classroom si Lauren nang makita niyang naghihintay si Emman sa labas. Agad itong lumapit nang may matamis na ngiti. Nahigit niya ang paghinga. Kailan kaya siya maiimune sa pamatay na ngiti ng lalaki? "Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya. It's her turn na maging suplada. "Nandyan na ba sundo mo?" imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong din ito. "Wala pa yata." "Perfect," lalong napangiti si Emman. "Pwede tayong lumabas ngayon." "I-I thought delikado tayong makitang magkasama?" Natigilan si Emman. Oo nga pala. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Ipapahamak niya na naman si Lauren. "Oo nga pala. I'm sorry," malungkot na sabi ni Emman. "Mag merienda na lang muna tayo bago ka umuwi." "Sige," pumayag na rin si Lauren nang nakitang nalungkot si Emman. "

