"O bakit parang semana santa 'yang itsura mo?" Napalingon si Shaina sa bagong dating. Si Leigh iyon na bagong ligo. Ang lalaking nurse kasi ang nagpapaligo rito pero hindi iyon nakatira sa kanila. Umaalis din ng gabi pagkatapos paliguan at pakainin si Leigh. In fairness, gwapo naman talaga si Leigh lalo na kapag bagong ligo. Pinagalitan ni Shaina ang sarili at muling sumilip sa bintana. Inaabangan niya kasi baka maisipang bumalik ni Eros. "May hinihintay lang ako." "Salamat nga pala sa abala. Don't worry, babawi ako. Mabuti naman hindi ka nahirapan sa pagdadala. May kasama ka bang driver?" Natigilan si Shaina. Hindi niya kasi sinabi dito na kasama niya si Eros. Pero bakit nga ba siya maglilihim sa binata? Wala naman sigurong masama kung isabay niya ang pakikipag-date niya sa pamim

