"I'm glad you're safe," narinig niyang sabi ng lalaki. Masuyong hinaplos ni Emman ang buhok ni Lauren na lalong ipinagtaka ng dalagita. Malambing rin ang boses nito at taliwas sa supladong lagi na lang namimilosopong nakasanayan niya. Baka naman nananaginip pa rin siya. Binitawan siya ni Emman at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi ito makatingin nang deretso sa kanya. "R-rest for a while. Ihahatid ka namin," utos nito at umayos ng upo. Tahimik itong tumingin sa labas ng tinted na bintana at hindi na siya kinausap ulit. Nakita niya mula sa salamin na nangingiti ang kambal. Si Evan ang nag-dadrive ng kotse at katabi nito si Ethan. Nagtama ang mga mata nila ni Eros na nasa tabi niya at natatawang kumindat ang lalaki bago ibaling ang atensyon sa labas. Gusto niyang sakalin si

