"Rose, this is your nurse, Agnes," nakangiting pakilala ni Rio sa nurse na mag-aalaga kay Rosalie tuwing papasok siya sa school. Ayaw niya sanang iwan ang dalaga pero kailangan niyang tapusin ang pag-aaral. Isa pa, binabayaran siya ng university bilang sports ambassador at kailangan niya rin ang pera para makatulong sa gastusin ni Rosalie kahit papaano. Tiningnan lang ni Rosalie ang dalaga at muling tumingin sa kawalan. Napangiti si Rio at ibinaling na ang atensyon sa nurse. "Ganyan talaga si Rose. Anyway, hintayin mo ako sa sala at doon tayo mag-usap," utos ni Rio. "Sige, sir Rio." "Ano pong nangyari sa kanya?"tanong ng nurse nang puntahan niya sa sala. "It's a long story. I'd rather not talk about it if you don't mind." "Sorry,sir." "Anyway, three times a week lang ang pasok mo d

