Kinakabahan si Rio habang tinatanggal ng doctor ang bendang nakabalot sa mukha at katawan ni Rosalie. Hindi dahil natatakot siya sa bagong itsura nito kung hindi dahil hindi niya alam kung papaano iyon tatanggapin ng babae. Hanggang sa tuluyan nang natanggal ang benda nito at tumambad sa kanya ang bagong mukha ni Rosalie. Hindi naman iyon tuluyang nasunog at mas malaki pa rin ang naging pinsala sa katawan nito pero halos hindi pa rin makilala ang babae. Napatingin si Rosalie sa malapit na salamin at nagulat sa nakita. Akala niya ay sisigaw ito at magwawala pero nakatulala lang ito sa salamin. Maya-maya ay tumulo ang masaganang luha sa mga mata ng dalaga habang hinahaplos ang mukha. Nilapitan ito ni Rio at niyakap, "let's go home, Rose." Tumingin sa kanya si Rosalie at nagtama ang mga

