Malungkot na naglalakad palabas ng hospital si Rosalie. Ipinangako niya sa sarili na hindi na niya iiyakan si Rio pero bakit ganoon pa rin ang epekto tuwing nakikita niya kung gaanong kamahal ni Rio ang kasintahan? Hindi niya maintindihan kung bakit pa niya tinanggap ang alok na maging full-time caregiver ni Alianna. Lalo lang siyang masasaktan sa ginagawa. Palabas na siya ng gate ng hospital nang marinig ang tawag kaya agad siyang napalingon. "Miss, sandali." Nakita niyang papalapit sa kanya ang binatilyong kamukha ni Rio. Ito din 'yung niligtas niya nung gabi ng battle of the bands. "Rosalie ang pangalan mo, hindi ba?" "Oo," nagtatakang sagot niya. "You were the one who saved me and my friend from Leigh," nakangiting sabi nito. "Ha?" mas pinili niyang magsinungaling at b

