Kanina pa umalis ang mga tao pero nandoon pa rin si Andrew at tila wala sa sariling nakatingin sa dalawang lalaking nag-sesemento ng lapida. Bahagya siyang napalingon nang marinig ang mahihinang mga yabag papalapit. Napapikit siya nang dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha niya. "Get out of here," nanginginig sa galit ang boses ng ina ni Sarah. "You have no right to be here." Napayuko lang si Andrew. "Drew, umalis ka na," mahinahong sabi ng ate ni Sarah. Tumango si Andrew, "C-condolence po." Bago tuluyang umalis ay muli niyang nilingon ang libingan ni Sarah. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nobya at hindi niya rin mapapatawad ang sarili dahil sa nangyari rito. Nasa labas na ang lahat at si Rio na lang ang hinihintay. Nagpagawa pa sila ng banner na m

