Kasalukuyang nag-aaral sa garden si Lauren nang tawagin siya ng mayordoma. Nagtataka siyang napatingin dito. Sino naman ang bibisita sa kanya? "Lauring, may naghahanap sa'yo," tawag ni Aling Vivian. Matagal na itong naninilbihan sa kanila at ito ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata. Tumayo si Lauren mula sa pagbabasa ng libro at pumunta sa labas ng bahay kung saan naghihintay ang bisita. Nagulat na lang siya nang makita kung sino ang naghahanap sa kanya. "Emman?" Hindi niya akalain na pupunta sa kanila si Emman. Nag-away kasi sila dahil malapit na ang pasahan ng homework pero hindi pa rin lumalapit o tumatawag man lang ang lalaki para mapag-usapan kung kailan uumpisahan ang assignment. Sa sobrang inis ay nag-ipit siya ng sulat sa locker nito. Altamirano, Ako na lang ang baha

