Lauren couldn't believe na magagawa niyang magsinungaling sa mga magulang at sumama sa isang lalaking hindi niya pa lubos na kilala. But somehow, ngayong sakay siya ng motor nito, she feels free. Nakaramdam siya ng excitement na kahit kailan ay hindi niya naranasan sa buong buhay niya. Maya-maya ay inihinto iyon ni Emman sa harap ng Manila cemetery. Kinakabahang tinawag ni Lauren ang kasama. "Emman..." Napalingon ang lalaki at napangiti sa nakitang reaksyon niya, "What? Para naman magkaroon ka ng adventure." "I-ihatid mo na ako sa'min," maiiyak na si Lauren sa takot. "Nandito na tayo. Sayang ang gasolina," sagot ng lalaki at nagpatiuna. "Emman, please naman..." Napahinto sa paglalakad ang lalaki at seryosong tumingin sa kanya. "Lauren, walang mangyayari sa'yo kung magpapada

