Nagmamadaling pumunta si Rio sa clinic nang tawagan siya ni Jessa at sabihing nasa clinic si Sorell dahi nabugbog ito. Sino kayang walanghiya ang bumugbog sa kapatid niya? "Sorell..." Umakyat ang dugo sa ulo ni Rio nang makita ang itsura ng kapatid. Nasa tabi ito si Jessa at isang babaeng noon niya lang nakita. "Kuya, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Sorell at napatingin sa kapatid. Napayuko naman si Jessa. "S-sorry, Kuya Sorell..." "Sinong gumawa nito sa'yo?" galit na tanong ni Rio. "Relax, kuya," natatawang sabi ni Sorell sa nakitang rekasyon ni Rio. "Tatawagan ko sila mama..." "Hoy, huwag naman. Huwag mo naman akong tratuhing parang bata," protesta ni Sorell, "problema ko ito, huwag mo nang idamay sila mama." "Sabihin mo sa akin kung anong nangyari," medyo h

