Kinakabahan si Rio nang makarating sa hospital. Hindi niya alam kung paano haharapin ang pamilya ng babaeng lihim niyang pinagtataksilan. "Rio, come here," masayang bati ni Adrian, "Kanina ka pa hinahanap ni Alianna." Nakangiti ang dalaga nang lumapit sa kanya. Tila nagbalik tuloy ang mga masasayang ala-ala nila nung hindi pa nangyayari ang trahedya. Laging nakangiti si Alianna tuwing nakikita siya. Pero ramdam ni Rio na hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niyang pananabik dito. "R-Rio..." tawag nito sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng ilang taon ay muli niyang maririnig ang tinig nito. "Alianna, nakakapagsalita ka na. I'm so happy for you," masaya niyang niyakap ang babae. Totoo namang masaya siya. Atleast magaling na ito

