"I-I'm Shaina..." kiming sagot ng dalagita. Napansin niya ang pilyong ngiti ng mga kasama ng lalaking nagpakilalang si Emman. "Nice to meet you, Shaina." "Tara na, Emman. May practice pa tayo," may halong panunudyo na aya ng isa sa barkada ng lalaki. Imbes na sumunod ay naglabas ng maliit na card si Emman, "Mahilig ka bang manood ng motorcycle race?" "Hindi." Natawa ang mga kasama ni Emman pero tila balewala lang iyon sa lalaki, "Sana makapanood ka." May inilabas itong maliit na card. NORTHWOOD MOTORCLUB Emmanuel Altamirano President "S-sige, titingnan ko," wika ni Shaina na hindi man lang sinulyapan ang card. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng inis si Lauren sa kaibigan. Kung para saan, hindi niya alam. Alam niyang unfair na magalit dito dahil hindi naman

