"Seryoso ka ba?" naninigurong tanong ni Shaina. "Would I be here kung hindi?" seryosong sagot ni Sorell. Halatang iyon ang unang beses na nanligaw ang lalaki. Hindi kasi ito mapakali at halata ang kaba. "Look, kung manliligaw ka lang dahil ayaw mo akong mapahiya dahil nalaman mo na may gusto ako sa'yo, huwag na lang. I mean, pwede naman tayong maging friends..." "Gusto kita," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Gusto nang himatayin ni Shaina nung mga oras na iyon pero hindi siya nagpahalata. "Shaina..." "I don't know. Strict kasi si Papa," alam ni Shaina na istrikto ang ama pero wala pa kasing nanliligaw sa kanya. Hindi kasi uso ang panliligaw sa America. Halatang nalungkot ang binatilyo, "I'll ask him." "What? No..." "You don't have to answer me now. Pero kung natatak

