"Come in." Bumaha ang ilaw sa may kalakihan din namang condo ni Rio. It was his grandparent's gift pero hindi naman siya nag-iistay doon dahil may sarili siyang kwarto sa dorm. Alanganing pumasok si Rosalie sa condo. Dalawa ang kwarto noon at halatang mamahalin ang mga gamit. May pinto rin patungo sa balcony at kita ang view ng syudad. Napatingin siya sa malaking painting ng pamilya ni Rio na nakasabit. It's not him. Sa tingin niya ay ang daddy ni Rio iyon nung binata pa. Malaki rin ang pagkakahawig ng dalawa. "Pumasok ka nga," natatawang aya ulit ni Rio nang makitang nakatayo lang siya sa gilid, "Para namang may gagawin ako sa'yong masama." Natawa rin siya. Subukan lang nitong gawan siya nang masama at ihahagis niya ito sa balcony. "Feel at home," dagdag ni Rio, "Do you want any

