Napuno ng hiyawan ang buong court nang manalo ang kuponan ng Northwood highschool laban sa Mendoza Memorial College. "Good job, guys," masayang bati ng coach nila. Mula sa court ay tanaw ni Sorell si Lauren at Shaina na nanonood sa bench. Nagtatakang napakunot ng noo ang binatilyo. Bati na pala ang dalawa. Sana pansinin na siya nito. Nag-gygym na kaya siya at nung Monday, nag start na ang secret training niya kay Rosalie kaya kaya niya na itong ipagtanggol kapag nagkataon. Isang grupo ng kababaihan ang lumapit sa kanya at humiling na magpapicture. Dahil nakita niya si Shaina na nanonood. Ngumiti siya sa mga babaeng naroon. Maya-maya ay lumapit na rin si Lauren, kasama ang nahihiyang si Shaina. "Congrats, Sorell," nakangiting bati ni Lauren. "Salamat," sagot niya at inignora lan

