Halos dalawang araw na hindi dinalaw ni Rio si Rosalie dahil na-guiguilty siya tuwing makikita ang babae. It was his mom who's checking up on her dahil tinutulak nito si Agnes palayo. Pero hindi rin nakatiis si Rio at pinuntahan ang babae. Palabas ng kwarto ang mommy niya dala ang pinagkainan ni Rosalie at napangiti nang makita siya. "Nandyan ka pala, Rio," pabulong na bati nito para hindi marinig ni Rosalie, "kakatapos lang kumain ni Rose." Matamlay na ngumiti si Rio, "how is she?" "Okay naman. She's still quiet pero kinakain niya naman ang ibinibigay ko. She's nice to me." "Sorry, 'ma. Ayoko na sanang abalahin ka." "It's okay, Rio. As long as you're happy, nandito lang kami para suportahan ka." "Sige, 'ma. Gusto ko nang makita si Rosalie. I miss her so much." Natawa ito at iniwan

