Mabilis niyang nilapitan si Rio na nakapikit pa pero dahan-dahang nagdilat ng mata nang maramdaman ang presensiya niya. "H-hi." "What the f**k are you doing here?!" gigil na nahawakan niya ang binata sa braso, "Mukhang mas dapat kang dalhin sa mental kay sa kay Alianna e!" "A-aray," halatang nasaktan ito sa ginawa niya at doon niya lang napansin ang sugat nito sa braso. "Sorry," napabuntong-hininga siya. Ayaw niyang ipakita kay Rio na sobra siyang nag-aalala pero mahirap ding itago ang nararamdaman. "Sabihin mo nga, ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako para mag-espiya? Paano kapag natuluyan ka ha? Kargo de konsensya ko na naman." "I didn't come for you. Napadaan lang ako," kahit halata ang sakit na nararamdaman ay natawa ang binata. Bahagya siyang namula sa pagkapa

